Friends zone
Kaibigan, yan yung salitang ayaw ko marinig mula sa taong minamahal ko ng higit pa sa kaibigan. Kahit di mo na malaman ang katotohanan, okay lang sakin. Para tumagal ang ating pagkakaibigan.
Oo masakit. Kaibigan lang ang turing mo, habang ako ay may lihim na pagtingin sayo. Sana'y maintindihan mo na minsan lumalayo ako sayo. Para di na lubos pang masaktan ang puso kong nadudurog na sa katotohanang ni minsan di mo ako minahal na higit pa sa aking inaakala.
Assuming man tawagin pero dun ako nabubuhay at masaya. Tuwing inaalagaan mo ako at pinagtatanggol. Kung paano ka sakin mag "tender loving care", ngunit yung totoo concern ka lang kasi kaibigan mo lang ako.
Hirap ng ganitong sitwasyon. Lalo nat di pwede magselos, selos sa kasama mong matamis pa sa kendi. Di pwede manumbat kong bakit pagdodota o pag clash of clans ang inaatupag at hindi ako, dahil kaibigan mo lang ako. Masakit magtanong kung bakit wala kang oras sa kin, at mas masakit pag tinatanong mo ako na "ano ba kita? Kaibigan lamang di ba tayo?" O pag tinatanong ka na kung ano ako sayo at ang sabi moy "kaibigan ko lang".
Pero sana dumating ang araw na sana mahalin mo naman ako kahit isang araw lang. Sana maramdaman ko na higit pa sa kaibigan ang relasyon nato. Kasi ako, umaasa padin na sana, dumating ang araw na yun...

Comments
Post a Comment